^

PSN Palaro

Abarrientos Asian import na rin sa Korea

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang UAAP season lang naglaro si guard RJ Abarrientos at kaagad na niyang iiwanan ang Far Eastern University Tamaraws para lumipat sa Korean Basketball League (KBL).

Sa report ng Korean sports website na Jumpball ay pipirma ang 5-foot-11 na si Abarrientos sa Ulsan Hyundai Mobis team para sa 2022-23 season ng KBL.

Makakasama ng 22-anyos na playmaker sa Ulsan si naturalized player Ra Gun-A (Ricardo Ratliffe) na dating import ng Star Hotshots (Magnolia) sa PBA noong 2016 at 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Ang pamangkin ni PBA legend Johnny Abarrientos ang ikalawang UAAP player na maglalaro sa isang KBL team bilang Asian import matapos si SJ Belangel ng Ateneo Blue Eagles na kakampanya para sa Daegu KOGAS Pegasus.

Sa pagsalang ni Abarrientos sa KBL ay isusugal niya ang apat na taon pa sanang eligibility sa pagbandera para sa Tamaraws sa UAAP.

Sa kanyang nag-iisang season ay naging top scorer ng FEU si Abarrientos sa kanyang average na 13.8 points bukod pa sa 4.36 rebounds, 2.57 assists at 1.07 steals per game sa elims ng nakaraang Season 84.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with