^

PSN Palaro

Warriors dikit na sa titulo

Pilipino Star Ngayon
Warriors dikit na sa titulo
Dumakdak si Andrew Wiggins ng Warriors laban sa Celtics sa Game 5 ng NBA Finals.
STAR/ File

SAN FRANCISCO, Philippines — Dahil masama ang laro ni Stephen Curry ay si Andrew Wiggins ang nagdala sa Golden State Warriors sa 104-94 panalo sa Boston Celtics sa Game Five ng NBA Finals sa Chase Center.

Nagposte si Wiggins ng 26 points at 13 rebounds para sa 3-2 bentahe ng Warriors sa kanilang best-of-seven series ng Celtics.

Puwede na nilang tapusin ang serye kung mananalo ulit sa Game Six sa TD Garden sa Biyernes (Manila time).

“We’re here, and we’re hungry. We want this. The team that wants it most will get it, and we want it,” ani Wiggins sa paglapit ng Golden State sa pagkopo sa NBA championship.

Nagtala si Curry ng 16 points, ngunit may 0-of-9 shooting sa three-point range na tumapos sa kanyang NBA-record na 132 sunod na postseason games na may isa siyang tres.

Umiskor si Klay Thompson ng 21 points tampok ang limang triples para sa Golden State habang may 8 points, 8 rebounds at 7 assists si Draymond Green bago na-foul out sa huling 3:01 minuto ng fourth period.

Humataw si Jayson Tatum ng 27 points at 10 rebounds sa panig ng Boston at may 20 at 18 mar­kers sina Marcus Smart at Jaylen Brown, ayon sa pagkakasunod.

Inilista ng Warriors ang 16-point lead sa first half bago nakaresbak ang Cel­tics sa third quarter kung saan sila kumonekta ng walong tres para agawin ang 66-61 kalamangan.

Iniskor naman ng Golden State ang unang 10 points sa final canto para makuhang muli ang 10-point advantage bago ang slam dunk ni Wiggins para sa 99-84 lead sa Boston sa huling 2:10 minuto.

STEPHEN CURRY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with