^

PSN Palaro

Heat ayaw pang sumuko!

Pilipino Star Ngayon
Heat ayaw pang sumuko!
Bumida si Jimmy Butler sa Heat sa hinataw na 47 puntos para ibalik sa Miami ang Game 7 laban sa Celtics.
STAR/File

Celtics giba sa 47 puntos ni Butler

BOSTON — Wala pang planong isuko ng Miami Heat ang laban sa Celtics.

Matapos ang malam­yang paglalaro sa Game 5, humataw si Jimmy Butler ng career playoff-high na 47 puntos para tulungan ang Heat na itakas ang 111-103 panalo laban sa Celtics at itulak ang winner-take-all showdown Game 7 ng kanilang best-of-seven Eastern Conference Finals.

Ang panalo ang nagtabla sa Heat sa 3-3 at muli silang magtatagpo ng Cel­tics sa Linggo sa bakuran ng Miami para sa deciding Game 7.

Ang mananalo sa Heat at Celtics ang siyang haharap sa naghihintay na Golden State Warriors sa NBA Finals.

Maagang kinapitan ng suwerte ang Heat nang iposte ang 10 puntos na abante mula sa 12-5 run, bago nakadikit ang Celtics sa 29-22 sa pagtatapos ng first quarter.

Sa sumunod na play, nagpasabog si Butler ng isang tres na sinundan ng dalawang freethrows para itarak ang 48-46 kalama­ngan sa halftime.

Muling inilayo ng Heat ang kanilang abante sa siyam na puntos tampok ang limang basket ni Victor Oladipo na sinundan ng tres ni Max Strus na nagdala sa Miami sa 12 puntos na abante.

Naibaba ng Boston ang kalamangan ng Heat sa anim na puntos, subalit muling humataw sina Butler, Oladipo at Kyle Lowry para sa 82-75 abante papasok sa final canto.

Naitabla ni Al Horford ang iskor sa 94-all mula sa kanyang tres na sinundan ng isa pang tres ni Derrick White ang nagbigay sa Celtics ng 97-94 abante.

Subalit muling napa­sakamay ng Heat ang trangko nang umiskor si Lowry ng tres.

Matapos ang ilang sagutan ng tira na ang huli ay sa 99-all, sinimulan na ni Butler ang paglayo at sa tulong ni guard P.J. Tucker, sinelyuhan nila ang u­nang panalo sa balwarte ng Boston.

Tumapos si Lowry ng 18 puntos habang nagdag­dag si Strus ng 13 puntos.

Bumandera para sa Celtics si Jayson Tatum na may 30 puntos habang may 20 markers si Brown.

CELTICS

MIAMI HEAT

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with