^

PSN Palaro

Louie Alas magbabalik sa NCAA?

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Louie Alas magbabalik sa NCAA?
Louie Alas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Maugong ang pagba­balik ni Louie Alas matapos ang ilang taong pagliban bilang basketball coach.

May balitang nasa listahan ang 58-anyos na si Alas sa mga napipisil ng San Beda College para hawakan ang Red Lions sa susunod na season.

Nabigong makapasok sa final four ang Mendiola-based squad, San Beda sa katatapos na season 97 kaya marahil ay naghaha­nap sila ng bagong hahawak ng kanilang basketball program.

Wala pa naman opisyal na anunsyo ang San Beda kung mananatiling head coach si Boyet Fernandez, subalit may mga “Marites” na mapapaso ang dalawang taong kontrata nito sa katapusan ng season.

Kilalang matikas na coach si Alas, inakbayan nito ang Letran Knights sa tatlong kampeonato sa NCAA, (1998, 2003, 2005).

Naging head coach din sa PBA ang premyadong mentor kaya inaasahang malaki ang maitutulong nito sa San Beda para bumalik sa finals at makasungkit muli ng titulo.

Bukod kay Alas, isa pang dating Letran Knights player na si Aldin Ayo ang isa pang napipisil ng San Beda para maging coach.

Para kay Alas, interesado siyang humawak muli ng local college basketball.

LOUIE ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with