^

PSN Palaro

Lady Bulldogs lumapit sa Final Four

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naitakas ng National University ang 18-25, 25-20, 25-19, 25-18 panalo laban sa defending champion Ateneo de Manila University upang makalapit sa Final Four berth sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling humataw si rookie Mhicaela Belen nang kumana ito ng triple-double na 19 points, 21 excellent receptions at 10 digs para manduhan ang opensa at depensa ng Lady Bulldogs na sumulong sa 9-0 rekord.

Hindi rin maawat si team captain Princess Robles na nagtala ng 16 hits habang gumawa naman si opposite spiker Alyssa Solomon ng 14 markers.

Nagtala ng pinagsamang 46 attacks sina Belen, Robles at Solomon — mas marami pa sa 41 attacks na nagawa ng lahat ng players ng Lady Eagles.

“Siguro wake up call din sa amin ‘to na kaila­ngan maglaro kami nang maa­yos, kailangan paghirapan namin every point, siguro every set kasi hindi kami puwedeng maging complacent sa situation ngayon,” ani NU head coach Karl Dimaculangan.

Wala pa ring talo ang Lady Bulldogs para mapatatag ang kapit sa liderato kung saan isang panalo na lamang ang kailangan nito upang pormal na masungkit ang unang tiket sa Final Four.

Sa unang laro, nanaig ang Adamson University sa University of the East, 25-16, 25-14, 25-9, upang palakasin ang tansa nito sa Final Four.

NATIONAL UNIVERSITY

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with