^

PSN Palaro

Warriors ibinalik ni Thompson sa NBA finals

Pilipino Star Ngayon
Warriors ibinalik ni Thompson sa NBA finals
Sumenyas ng tres sina Warriors star Klay Thompson at Draymon Green laban sa Dallas Mavericks sa Game 5 ng Western Conference Finals.
STAR/File

SAN FRANCISCO — Pumukol si Klay Thompson ng game-high na 32 puntos para akayin ang Golden State Warriors sa NBA Finals sa ikaanim na pagkakataon sa walong season nang sibakin ang Dallas Mavericks, 120-110.

Isinara ng Warriors ang best-of-seven Wes­tern Conference Finals sa 4-1 at makakasagupa nila para title showdown ang mananalo sa Boston o Miami kung saan angat ang Celtics, 3-2 sa kanilang Eastern Confe­rence Finals duel.

Tangka ng Warriors na masikwat ang kanilang ikaapat na korona matapos ang walong season.

Unang nasambot ng Warriors ang NBA title noong 2015, 2017 at 2018 matapos igupo ang Cleveland Cavaliers na trinangkuhan ni LeBron James.

“This is a blessing for us to get back here, to get back where we belong,” ani Golden State guard Stephen Curry, na nahirang na Western Confe­rence playoff Most Va­luable Player.

Umiskor si Andrew Wiggins ng 18 puntos bukod pa ang 10 rebounds para sa Warriors habang nagdagdag si Draymond Green ng 17 puntos at siyam na assists.

Tumapos si Curry ng may 15 markers at siyam na assists.

Kumamada si Thompson ng 12-of-25 shots mula sa floor, tampok ang 8-of-16 mula sa 3-point range.

Hindi pa umabot sa NBA Finals ang Mavericks mula nang masungkit ang korona noong 2011.

Ito ang ikaanim na sunod na biyahe ni Thompson sa NBA Finals na sumablay noong 2019-20 season matapos sumaila­lim sa surgery sa kaliwang tuhod at sa buong 2020-21 season bunga naman ng torn Achilles tendon.

Tumapos si Slovenian guard Luka Doncic ng 28 puntos, siyam na rebounds at anim na assists para banderahan ang Mave­ricks habang nagdag­dag naman si Spencer Dinwiddie ng 26 puntos mula sa bench.

GOLDEN STATE WARRIORS

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with