^

PSN Palaro

Sotto nasa No. 49 sa NBA mock draft

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto nasa No. 49 sa NBA mock draft
Kai Sotto Adelaide.
36ers / Instagram

MANILA, Philippines — Mahuhugot si Kai Sotto sa 2022 edisyon ng NBA Annual Rookie Draft na idaraos sa Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Maynila) sa Brooklyn, New York.

Ito ay base sa inilabas na mock draft ng pamosong Sports Illustrated kung saan inaasahang makukuha ang Pinoy cager sa second round ng draft.

Nasa No. 49 ang 7-foot-3 na si Sotto na posibleng hugutin ng Sacramento Kings.

Kasalukuyang nasa workout si Sotto kasama ang iba’t ibang teams bago ang aktuwal na draft sa susunod na buwan.

Kabilang ang New York Knicks sa mga nais makita ang galaw ni Sotto.

Umangat din ang puwesto ni Sotto sa NBA Draft Room mula sa dating 113 sa kasalukuyang 102 posisyon.

Galing si Sotto sa kampanya sa National Basketball League (NBL) Australia kasama ang A­delaide 36ers.

Umaasa si Sotto na maging kauna-unahang homegrown Pinoy na mapili sa prestihiyosong NBA Draft.

Kaya naman kaliwa’t kanan ang suporta ng mga Pinoy fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang mga dating katropa nito sa Pilipinas.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with