^

PSN Palaro

BGR pumirma ng 3-taon sa Blackwater

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang three-year maximum contract ang ibinigay ng Blackwater kay No. 1 overall pick Brandon Ganuelas-Rosser na siyang inaasahang magiging puwersa nila sa shaded lane sa darating na PBA Season 48.

Ang 6-foot-8 na si Ganuelas-Rosser ang isa sa mga naging key players ng Limitless App sa First at Second Conference ng PBA 3x3 Lakas ng Tatlo tournament.

Minalas ang 23-anyos na big man, kasama sina Marvin Hayes, Jorey Napoles, at Reymar Caduyac, na maidepensa ang gold medal ng Pilipinas sa men’s 3x3 event ng nakaraang 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Nakunteno ang grupo sa bronze medal.

“He can run the floor and score inside-out. He’s a complete player,” wika ni head coach Ariel Vanguardia sa Fil-Am center.

Malakas na frontline ang ipaparada ng Bossing team ni Vanguardia matapos ang mga naunang pinapirmang sina 6’7 veteran Yousef Taha, forward Rey Publico at No. 11 pick Mark Dyke at No. 13 selection Ato Ular.

Nahugot ng Blackwater si Taha mula sa Converge kapalit ni first-round pick Kurt Lojera.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with