^

PSN Palaro

Serrano, JGDL nakapirma na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Serrano, JGDL nakapirma na
Kahapon ay tuluyan na siyang pinapirma ng Fuel Mas­ters sa isang one-year contract bago ang pagbu­bu­kas ng PBA Season 47 Philippine Cup sa Hunyo 5.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinirang si Encho Ser­ra­no bilang MVP sa PBA Draft Combine.

Ngunit walang PBA teams ang pumili kay Serrano sa first round ng PBA Roo­kie Draft bago siya na­hugot ng Phoenix bilang No. 19 overall pick.

Kahapon ay tuluyan na siyang pinapirma ng Fuel Mas­ters sa isang one-year contract bago ang pagbu­bu­kas ng PBA Season 47 Philippine Cup sa Hunyo 5.

Impresibo ang ipinakita ng dating La Salle Green Ar­chers guard sa nakaraang PBA 3x3 tournament suot ang uniporme ng Barangay Ginebra.

Inaasahang makakatulong si Serrano sa backcourt rotation ng Phoenix na binubuo nina Matthew Wright, RJ Jazul at RR Gar­cia.

Lumagda naman si No. 8 selection Javi Gomez de Liaño sa isang two-year deal sa Terrafirma.

Ang Ginebra ang ku­mu­­ha kay Gomez de Li­año sa draft bago nai-trade sa Terra­fir­ma kasama si Brian Enri­quez kapalit ni No. 2 pick Je­remiah Gray.

Samantala, pinapirma ng Meralco si guard Aaron Black sa isang two-year contract extension.

Maganda kasi ang inila­ro ng anak ni head coach Norman Black sa nakaraang fi­nals rematch ng Bolts at ng Gin Kings sa PBA Go­­vernors’ Cup.

Iginawad kay Black, ang 18th overall pick noong 2019 PBA Rookie Draft, ang Outstanding Rookie ho­­nors noong 2020 PBA Philippine Cup sa Clark bubble.

Sa nakaraang PBA Go­­vernors’ Cup Finals ay naging top local scorer ng Me­ralco ang dating kamador ng Ateneo Blue Eagles sa kanyang iti­nalang 16.83 points per game.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with