Defense and Sporting Arms Show ng AFAD kasado na

Sina (mula kaliwa) AFAD directors Edwin Año, Imelda Reyes at Duke De Leon na nagpahayag ng optimistiko na ang Sporting Arms Show ang magpapalakas sa industriya at programa para sa responsible gun ownership.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos ang halos tatlong taon, magbabalik-aksyon ang Defense and Sporting Arms Show ng Association of Firearms and Ammunitions Dea­lers of the Philippines, Inc. (AFAD) para sa ika-28 na edisyon nito sa Hulyo 14-18 sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Sa pamumuno ni na­tional shooter Hagen Ale­xander Topacio bilang bagong halal na AFAD president, itatanghal ng AFAD ang pinakamalaki at pinakamatagal na gun show sa bansa sa unang beses simula Nobyembre 2019 para sa mga firearms enthusiasts, national at professional shooters.

“After almost three years of absence in the observance of the health and safety protocols due to the pandemic, we’re now back with better and much bigger activities and programs involving our members and affiliated organizations,” ani Topacio na miyembro ng Philippine Trap Shooting.

Kagagaling lang ni Topacio sa silver medal finish sa men’s trap event ng katatapos lang na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ngayon ay itutuon niya ang atensyon sa pagbabalik ng AFAD tampok ang lagpas 40 exhibitors na ipapamalas ang pinakamagagandang local at international firearms at ammunitions.

Bilang long-time supporter ng national athletes sa international shooting competition, pagkakataon din ito para sa AFAD na maging instrumento sa pagtuturo ng responsible gun ownership.

Advertising
Scroll to continue

Kasabay ng five-day gun show ay ang mga nakalinyang seminars at programs sa self-defense, responsible gun ownership, firearms safety handling at regulation policy on gun ownership.

Show comments