^

PSN Palaro

Lady Bulldogs tutok sa sweep

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sesentro ang atensiyon ng nangungunang National University sa tangkang sweep sa pagbabalik-aksyon ng UAAP women’s volleyball tournament tampok ang apat na bakbakan sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ilang araw na nagpahinga ang liga upang bigyang daan ang cheerdance competition.

Kaya naman nakapag-ipon na ulit ng lakas ang mga teams dahil papasok na sa krusyal na estado ang torneo.

Inaabangan na ang muling pagtutuos ng National University at De La Salle University.

Namamayagpag ang Lady Bulldogs na may imakuladang 7-0 rekord — ang pinakamagandang baraha nito sa first round sa kasaysayan ng kanilang paglalaro sa liga.

Puntirya ng NU na madugtungan ang matikas na laro nito kung saan babandera sa opensa ng tropa sina Alyssa Solomon, Princess Robles, Michaela Belen at Ivy Lacsina.

Sumesegunda naman ang Tigresses at  Lady Spi­kers na may parehong 5-2 baraha habang nasa ikaapat ang Lady Falcons na may 4-3 kartada.

Bagsak sa bottom four ang Lady Eagles na may 3-4 marka katulad ng rekord ng Lady Maroons para pagsosyohan ang No. 5 spot.

Nasa ikaapito ang Lady Tamaraws na may 1-6 marka at pinakahuli ang Lady Warriors na wala pang panalo sa pitong laro.

UAAP

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with