^

PSN Palaro

3 rookies pumirma sa Rain or Shine

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong key players ang binigyan ng kontrata ng Rain or Shine para sa pagsisimula ng PBA season.

Pinapirma ng Elasto Painters sina Gian Mamu­yac, Shaun Ildefonso at Jhonard Clarito ng dalawang taon na kontrata kahapon.

Nakuha ng Rain or Shine ang tatlong players sa PBA Annual Rookie Draft kamakailan.

Parehong nasa first round sina Mamuyac at Ildefonso habang nasa second round si Clarito.

Si Mamuyac ang fifth pick overall samantalang No. 10 draftee naman si Ildefonso at 17th overall pick si Clarito.

Umaasa ang pamunuan ng Elasto Painters na malaki ang maitutulong ng mga bagong players nito para sa kanilang kam­panya sa darating na season ng liga.

Tiwala si Rain or Shine coach Chris Gavina na mabilis na makakaagapay ang tatlo sa sistema ng kanyang koponan.

Naniniwala si Gavina sa talento nina Mamuyac, Ildefonso at Clarito na swak na swak sa estilo ng paglalaro ng Elasto Painters.

“These players are ta­lented,” ani Gavina.

Sa nakalipas na Governors’ Cup, bigo ang Elasto Painters na makapasok sa quarterfinals matapos magtala ng 3-8 rekord sa eliminasyon.

Kaya naman tiwala si Gavina na malalampasan ito ng kanyang tropa sa oras na magsimula ang season na target simulan sa Hunyo. 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with