^

PSN Palaro

Knights kukumpletuhin ang series sweep sa Cardinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Knights kukumpletuhin ang series sweep sa Cardinals
Rhenz Abando of Letran.
NCAA / GMA photo

MANILA, Philippines — Determinado ang Letran Knights na tuluyan nang walisin ang Mapua Cardinals para sa kanilang back-to-back crown sa NCAA Season 97 men’s basketball championship.

Nakatakda ang Game Two ng best-of-three title series ngayong alas-3 ng hapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Inangkin ng Knights ang 68-63 panalo sa Cardinals sa Game One kung saan nagkaroon si Rhenz Abando ng left ankle sprain matapos ang kanyang putback dunk sa huling 3:20 minuto ng third quarter.

Dahil dito ay bibigyan ni Letran head coach Bonnie Tan ang 6-foot-2 na si Abando ng limitadong playing time sa pagharap sa Mapua ni mentor Randy Alcantara.

Sakaling makumpleto ng Knights ang sweep sa NCAA season ay sila ang magiging ikalawang koponang nakagawa nito makaraan ang San Beda Red Lions noong 2010.

Kung mananaig naman ang Cardinals ay gagawin ang ‘winner-take-all’ Game Three sa susunod na Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.

LETRAN KNIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user