^

PSN Palaro

Thompson liyamado sa PBA MVP race

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Thompson liyamado sa PBA MVP race
Scottie Thompson.
PBA Images

MANILA, Philippines — Isa lang kina Scottie Thompson ng Barangay Ginebra, Calvin Abueva ng Magnolia, TNT Tropang Giga top rookie Mikey Williams at NorthPort star guard Robert Bolick ang makakakuha sa Most Valuable Player ng PBA Season 46.

Igagawad ang MVP trophy sa Leo Awards Night sa Hunyo 5.

Awtomatikong na­ging MVP candidates sina Thompson at Abueva dahil sa pagiging Best Player of the Conference (BPC) winners ng nakaraang PBA Season 46 Governors Cup at Philippine Cup, ayon sa pagkakasunod.

Pinagharian ng Gin Kings ang Governors’ Cup laban sa Meralco Bolts habang nagkampeon naman ang Tropang Giga matapos talunin ang Hotshots sa finals.

Kasama rin sina Thompson, Abueva, Williams at Bolick sa mga pagpipilian sa Mythical Team selection.

Bukod sa MVP at Mythical Team ay kikilalanin din ang Rookie of the Year, Most Improved Player, mga miyembro ng All Defensive Team at ang Samboy Lim Sportsmanship award winner.

Sa Season 47 ay iba­balik ang three-conference format matapos itong mawala noong 2020 dahil sa pandemya.

SCOTTIE THOMPSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with