^

PSN Palaro

Diaz nadepensahan ang SEAG gold

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatiling suot ni Tok­yo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang kanyang korona sa wo­men’s 55-kilogram event ng weightlifting sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kahapon.

Itinala ng 30-anyos na si Diaz ang total lift na 206 kilograms mula sa 92kgs sa snatch at 114kgs sa clean and jerk para muling ma­naig sa nasabing event na kanyang dinomina noong 2019 Manila edition.

“Napaka-meaningful nito (SEAG),” sabi ni Diaz. “After winning the gold medal, bumalik pa din ako, nakapag-deliver ng gold medal for the Philippines.”

Tinalo ng tubong Zamboanga City sina 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medal winner Sanikun Tanasan ng Thailand at Natasya Beteyob ng Indonesia na nagtala ng 203kgs at 188kgs, ayon sa pagkakasunod.

Inangkin ni Diaz ang silver noong 2016 Rio de Janeiro Games.

Binuhat ni Tanasan ang SEA Games record na 93kgs sa snatch na hindi naungusan ni Diaz sa kanyang 92kgs, ngunit nakabawi ang Pinay weightlifter sa clean and jerk sa inilistang 114kgs.

May 110kgs lamang ang Thai star sa clean and jerk.

Matapos ang Vietnam SEA Games ay lalahok ang Pinay pride sa World Championships at sa Asian Games bago sumalang sa 2024 Paris Olympics.

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with