^

PSN Palaro

Sweep sinakmal ng Lady Bulldogs

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Winalis ng National University Lady Bulldogs ang first-round ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament matapos lapain ang 25-10, 25-20, 25-15 panalo kontra Univeristy of the Philippine Lady Maroons kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakitaan ng bangis si Mhicaela Belen nang itarak nito ang 13 points, lahat galing sa spikes para ilista ng Lady Bulldogs ang malinis na pitong panalo.

Bumakas si Cess Robles ng 12 puntos  kasama ang 11 kills at isang block para sa NU na ipinalasap sa UP ang pang-apat na sunod na kabiguan.

Naghabol ng limang puntos ang Lady Bulldogs, 1-6 sa third set, pero nanatili silang naka-pokus sa laro para gapangin ang 20-5 run at makuha ang bentahe 21-11.

“Kailangan din namin itong panalo going to se­cond round kasi momentum namin ito para makapag prepare pa kami sa mas mahirap na second round,” saad ni NU head coach Karl Dimaculangan.

Kumana rin sina Ivy Lacsina ng 11 markers at Alyssa Solomon ng siyam na puntos para sa NU.

Nauna rito, nakaba­ngon ang Adamson University Lady Falcons nang igupo ang University of the East Lady Warriors, 25-23, 25-20,25-18.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with