^

PSN Palaro

Obiena sasalang agad sa 2 torneo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Obiena sasalang agad sa 2 torneo
The Philippine's Ernest John Obiena reacts during the Pole Vault Men competition of the ISTAF INDOOR (Internationales Stadionfest) international athletics meeting on February 5, 2021 in Berlin.
Tobias Schwarz / Pool / AFP

MANILA, Philippines — Kagaya ni two-time world champion gymnast Caloy Yulo, may lalahukan ding torneo si World No. 6 pole vaulter Ernest John Obiena sa mga susunod na buwan.

May sasalihan siyang international tournament sa Italy sa huling linggo ng Mayo at sasabak sa bigating Wanda Diamond League sa Oslo, Norway sa Hunyo 16.

Magmumula si Obiena sa paglundag sa gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam para sa matagumpay na pagdedepensa sa kanyang korona.

“Pilipinas Salamat. Defended the title and got a bonus SEA Games,” wika kahapon ng 6-foot-2 na si Obiena sa kanyang Facebook post. “Thank you for everyone who have made this possible. Maraming salamat po.”

Sinira ni Obiena ang sarili niyang record sa SEA Games nang iposte ang bagong 5.46-meters habang nagtala si teammate Hakkett Delos Santos ng 5.00 meters para sa silver medal.

Bago sumabak sa Vietnam SEA Games ay nagkaroon ng sigalot sina Obiena at athletics president Philip Ella Juico hinggil sa isinumiteng dokumento ng Pinoy pole vaulter hinggil sa liquidation ni Ukrainian coach Vitaly Petrov.

“I think that was the most difficult part for me in this certain SEA Games,” wika ng 25-anyos na Tokyo Olympian.

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with