^

PSN Palaro

Pinas lumalaban sa 2nd place

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinas lumalaban sa 2nd place
Itinaas nina muay fighters Islay Erica Bomogao at Rhichein Yosorez ang Philippine flag nang manalong ginto sa muay thai event sa SEA Games.
STAR/File

MANILA, Philippines — Binanderahan ni billiards queen Rubilen Amit ang arangkada ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games habang ipinagpatuloy ni Fil-Am Eric Cray ang dominasyon sa men’s 400-meter hurdles.

Ibinulsa ni Amit ang gold medal sa women’s 9-ball singles mula sa 7-2 paggupo kay Singaporean Jessica Chan sa finals sa Hanoi, Vietnam.

“Hindi naman siya nag-give up. Laban talaga,” sabi ng 40-anyos na si Amit kay Chan. “Expected ko naman iyong dikitan, pero mabuti na lang hindi umabot doon.”

Tiyak na rin ang gold ng bansa sa men’s 9-ball singles matapos itakda nina Carlo Biado at Johann Chua ang all-Pinoy finals ngayon.

Sinikwat naman ni Cray ang gold sa men’s 400m hurdles sa bilis na 50.41 segundo para sa kanyang pang-limang sunod na paghahari sa nasabing event ng SEA Games.

Nagdagdag ng ginto si taekwondo jin Kurt Barbosa at ang muay thai pair nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez.

Tinalo ng Tokyo Olympian na si Barbosa si Panachai Jaijilla ng Thailand, 16-7, sa finals ng men’s -54kg.

Kumolekta sina Bomogao at Yosorez ng 8.68 points para magreyna sa women’s wai kru mai all-female event ng muay.

Ang apat na ginto ang nagbigay sa Pinas ng 34 golds, 37 silvers at 47 bron-zes para makadikit sa No. 2 sa medal standings sa ilalim ng host Vietnam (95-62-62) at Thailand (40-40-62).

Nag-ambag ng silver medal sina swimmer Chloe Isleta sa women’s 100m backstroke, Sarah Dequinan sa women’s heptathlon, Mark Harry Diones sa men’s triple jump at fen­cers Samantha Catantan, Wilhelmina Lozada Justine Gail Tinio at Maxine Esteban sa women’s foil team event.

May bronze sina William Morrison sa men’s discus throw, Robyn Brown sa women’s 400m hurdles, swimmer Jessica Geriane sa women’s 100m backstroke, taekwondo jin Laila Delo sa women’s 67kg at cyclist Jericho Rivera sa men’s MTB Cross Country at ang sepak takraw team nina Jason Huerte, Rheyjey Ortouste, Ronsted Gabayeron, Mark Joseph Gonzales at John John Bobier sa men’s regu.

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with