^

PSN Palaro

Philippines-best tankers hakot ng 2 golds, 3 silvers sa France

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Philippines-best tankers hakot ng 2 golds, 3 silvers sa France
Ipinakita nina Ivan Radovan (kaliwa), Micaela Jasmine Mojdeh (gitna) at Hugh Antonio Parto ang kanilang medalyang napanalunan sa Melun, France.
Chris Co

MANILA, Philippines — Umarangkada pa ng husto ang Pinoy tankers matapos humakot ng dalawang ginto at tatlong pilak na medalya sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginaganap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France.

Rumesbak si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa pagkakataong ito matapos pagreynahan ang women’s 200m butterfly sa bendisyon ng impresibong 2:20.85.

Inilampaso ni Mojdeh sina French tankers G­abriella Lardier-Puigdomene (2:26.42) at Lisa Verdier (2:28.43) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

“I am extremely happy with the second day turn out despite the colder temperature here in France. Swimmers gave all their best in their respective events. I think they are filled with so much excitement to swim side by side with the European and world champions that it translated to their swim and were able to win medal for our country,” ani Philippines BEST-Swim League Philippines team manager Joan Mojdeh.

Nagpasiklab din si Lucena pride Ivan Radovan nang masikwat nito ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas nang mangibabaw  sa men’s 200m butterfly.

Nairehistro ni Radovan ang 2:10.28 upang masiguro ang gintong medalya kung saan pinataob sina France bets Nat Villerfranche (2:11.27) at Meaux Natation (2:12.27).

Humataw din ang Behrouz Persian Cuisine-sponsored team ng tatlong pilak na medalya mula kina Jordan Ken Lobos, Hugh Antonio Parto at Lance Argel Lotino sa kani-kanyang events.

Pumangalawa si Lobos sa men’s 200m breaststroke (2:22.66) habang sumegunda rin si Parto sa men’s 200m butterfly (2:13.48) at si Lotino na naka-pilak sa men’s 50m breaststroke (31.70).

MICAELA JASMINE MOJDEH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with