^

PSN Palaro

Knights puro na sa back-2-back crown

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumalikwas ang nagdedepensang Letran Knights mula sa 10-point deficit sa second period para resbakan ang Mapua Cardinals, 68-63, sa Game One ng 97th NCAA men’s basketball championship kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Lumapit ang Knights para sa back-to-back crown sa kinuhang 1-0 lead sa kanilang best-of-three title series ng Cardinals.

Kumolekta si Brent Paraiso ng 14 points, 5 rebounds at 5 assists at humakot si Louie Sangalang ng 14 markers, 7 boards at 2 blocks para sa tropa ni coach Bonnie Tan.

Nanaig ang Letran kahit wala si star forward Rhenz Abando na nagkaroon ng left ankle sprain sa 3:20 minuto ng third period matapos ang kanyang follow-up dunk kung saan abante ang Mapua sa 47-45.

Ipinoste ng Cardinals ang 29-19 kalamangan sa 8:13 minuto ng second quarter at kinuha ang 62-58 abante sa huling 3:19 minuto ng final canto mula sa triple ni Renz Nocom.

Isang 8-0 atake ang pinamunuan ni Fran Yu para ibigay sa Knights ang 66-62 lead kontra sa Cardinals tampok ang basket ni Paraiso sa huling 15.3 segundo.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with