^

PSN Palaro

2 golds nasikwat ng Pinoy triathletes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
2 golds nasikwat ng Pinoy triathletes
Sina Fil-Spanish Fernando Tan Casares (gold) at Andrew Kim Remolino (silver).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patuloy ang dominasyon ng Pilipinas sa triathlon matapos walisin ang dalawang gintong medalyang nakataya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Humataw ng husto si Kim Mangrobang sa bike leg ng 1.5K swim, 40K bike at 10K run event upang matamis na kubrahin ang ikatlong sunod na gintong medalya sa women’s division.

Naitala ni Mangrobang ang 2:13.31 para pataubin si Indonesian Prasetyo Ingena, nagkasya lamang sa pilak na medalya.

“She (Mangrobang) had a great breakaway in the bike leg,” ani head coach George Vilog.

Nasiguro naman ni Pinay triathlete Raven Faith Alcoseba ang ta­n­song medalya tangan ang 2:18:30.

Nakumpleto naman nina Fil-Spanish Fernando Tan Casares at Andrew Kim Remolino ang 1-2 finish para dominahin ang men’s division.

Nagsumite si Casares ng 1:56.57 samantalang umoras si Remolino ng 1:59.16. Nagkasya sa tanso si Ronald Bintang na naorasan ng 2:01:35.

Sa katunayan, na­ngunguna ang pambato ng Vietnam at Indonesia sa swim leg.

Subalit rumesbak sina Casares at Remolino sa bike at run legs para matamis na kubrahin ang ginto at pilak na medalya para sa Pilipinas.

ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with