^

PSN Palaro

Sea Games record winasak ni Obiena

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Sea Games record winasak ni Obiena
Ang record-breaking at ginintuang talon ni EJ Obiena.
Jun Mendoza

Pinas may 12 golds na!

MANILA, Philippines — Pitong gintong medalya ang hinakot ng Team Phi­lippines sa pamumuno ni World No. 6 pole vaulter Ernest John Obiena sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kahapon.

Lumundag si Obiena ng 5.46 meters para mu­ling pagharian ang men’s pole vault sa ikalawang sunod na pagkakataon at magtayo ng bagong SEA Games record na bumura sa 2019 mark niyang 5.45m.

“I’m relieved and happy to win the gold,” sabi ng Tokyo Olympian na na­bigong sirain ang kanyang personal best at Asian record na 5.93m sa tatlong attempts.

Nagwagi rin ang mga Pinoy athletes sa triathlon, jiu-jitsu, fencing at gymnastics para manatili sa No. 4 sa medal standings sa nahakot na 12 golds, 18 silvers at 17 bronzes sa likod ng Vietnam (34-21-28), Indonesia (13-16-4) at Malaysia (13-7-20).

Itinakbo ni triathlete Kim Mangrobang ang kanyang ikatlong sunod na gold sa women’s indivi­dual event sa itinalang 2:13.31 habang naghari si Fil-Spa­nish Fernando Casares sa men’s individual sa bilis na 1:56.57.

Dalawang ginto naman ang itinumba nina jiu-jitsu fighters Meggie Ochoa (women’s -48kg) at Annie Ramirez (women’s -62kg).

Nagdagdag si fencer Samantha Catantan ng ginto sa panalo niya sa women’s individual foil at pinamunuan ni Fil-Am Aleah Finnegan ang women’s team sa gold sa women’s artistic gymnastics bukod sa silver sa all-around event.

Samantala, minalas ang Gilas Pilipinas men’s at women’s 3x3 teams na maidepensa ang kanilang mga titulo.

Tansong medalya ang nakuha nina Brandon Ganuelas-Rosser, Marvin Hayes, Jorey Napoles at Reymar Caduyac nang ungusan ng Indonesia, 14-10, at nabigo sina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Clare Castro at Angelica Surada sa Indonesia, 10-16, sa third place.

Nakuntento sa silver sina runner Kyla Richardson (women’s 200m run), wushu artist Agatha Wong (women’s taolu taijiquan), triathlete Andrew Kim Remolino (men’s individual) at  pole vaulter Hakett Delos Santos.

EJ OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with