^

PSN Palaro

Bucks amoy na ang Conference Finals

Pilipino Star Ngayon
Bucks amoy na ang Conference Finals
Giannis Antetokounmpo.
Ronald Martinez / Getty Images / AFP

BOSTON - Bumalikwas ang nagdedepensang Milwaukee Bucks mula sa 14-point, fourth-quarter deficit para resbakan ang Celtics, 110-107, sa Game Five ng kanilang Eastern Conference semifinals matchup.

Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 40 points at 11 rebounds para sa 3-2 lead ng Milwaukee sa kanilang duwelo ng Boston.

Ang putback ni Bobby Portis mula sa mintis na free throw ni Anteto­kounmpo sa huling 15 segundo at ang supalpal ni Jrue Holiday kay Marcus Smart ang sumelyo sa panalo ng Bucks.

Bumangon ang Milwaukee mula sa 79-93 pagkakaiwan sa fourth period para tumabla sa 105-105 sa huling 43 segundo.

Isinalpak ni Tatum ang dalawang free throws para sa 107-105 abante ng Cel­tics habang naimintis ni Antetokounmpo ang ikalawa niyang foul shot na nagresulta sa putback ni Portis para sa 108-107 bentahe ng Bucks sa hu­ling 14 segundo.

Sinupalpal ni Holiday ang layup ni Smart sa po-sesyon ng Boston habang ang dalawang foul shots ni Pat Connaughton sa huling anim na segundo ang sumelyo sa panalo ng Milwaukee.

Sa Memphis, kumamada sina Jaren Jackson Jr., Desmond Bane at Tyus Jones ng tig-21 points sa 134-95 demolisyon ng Grizzlies sa Golden State Warriors sa Game Five ng kanilang Western Confe­rence semifinals series.

Nag-ambag si Dillon Brooks ng 12 points para sa 2-3 pagdikit ng Memphis sa Golden State.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na hindi naglaro si All-Star guard Ja Morant dahil sa isang bone bruise sa kanang tuhod.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with