^

PSN Palaro

Buwenamanong gold ng Pinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Buwenamanong gold ng Pinas
Kagat ni Mary Francine Padios ang unang gold ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games.
STAR/File

Hatid ni Padios ng pencak silat

MANILA, Philippines — Ibinigay ni Mary Francine Padios ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games makaraang magwagi sa women’s pencak silat seni (artistic/form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Humugot ang 17-anyos na tubong Kalibo, Aklan ng lakas ng loob mula sa kanyang amang nakaratay ngayon sa coma matapos ang isang malagim na car accident bago mag-Pasko.

Umiskor si Padios ng 9.960 points para sapawan si 2019 winner Arum Sari (9.945 points) ng Indonesia.

Ito ang unang gold medal ni Padios sa SEA Games matapos makuntento sa silver noong 2019 Manila edition na pinagha­rian ng Team Philippines.

Nakahugot din ang Team Philippines ng tatlong silver at apat na bronze medals para upuan ang No. 4 seat sa medal tally board sa ilalim ng Vietnam (7-5-7), Malaysia (6-1-5) at Indonesia (3-4-0).

“I’m keeping my faith in the heart of our national athletes to overcome and come home victorious,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Nagmula ang tatlong silver medal kay Helen Aclopen sa women’s minus 48kgs ng kurash, sa men’s beach handball team at kina Tokyo Olympic Games campaigner Cris Nievarez at Christian Joseph Jasmin sa men’s doubles lightweight sculls sa rowing.

Ang apat na bronze medals ay ambag nina Charmea Quelino, George Baclagan at Renzo Cazeñas sa kurash at Joannie del Gaco, Amelyn Pagulauyan, Mireille Cua at Kristine Paraon sa women’s quadruple sculls sa rowing.

Samantala, maagang dumating sa Hanoi si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz para sa asam na back-to-back gold medal sa women’s 55kg category.

Sa Mayo 20 pa sasalang si Diaz habang darating naman ang iba pang miyembro ng national weightlifting team sa Mayo 16.

GOLD

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with