^

PSN Palaro

Mavs delikado na sa Suns

Pilipino Star Ngayon
Mavs delikado na sa Suns
Devin Booker of the Phoenix Suns.
Kelsey Grant / Getty Images / AFP

PHOENIX — Nagposte si Devin Booker ng 28 points habang may 20 markers si Deandre Ayton sa 110-80 pagtusta ng Suns sa Dallas Mavericks sa Game Five ng kanilang Western Conference semifinals duel.

Inagaw ng Phoenix ang 3-2 abante sa serye para sa tsansang makausad muli sa conference finals.

Nakatakda ang Game Six sa Dallas.

Bumalikwas ang Suns mula sa dalawang sunod na pagkatalo sa Mavericks na nakahugot kay Luka Doncic ng 28 points at 11 rebounds.

Sinimulan ng Phoenix ang second half sa isang 11-4 bomba tampok ang dalawang triples ni Booker para sa kanilang 61-50 bentahe sa third period.

Mula rito ay hindi na nakalapit ang Dallas.

Sa Miami, umiskor si Jimmy Butler ng 23 points at nagtala si Max Strus ng 19 points at 10 rebounds sa 120-85 panalo ng Heat sa Philadelphia 76ers sa Game Five ng kanilang Eastern Conference semifinals series.

Itinala ng Miami ang 3-2 bentahe sa serye para lumapit sa kanilang pagpasok sa conference finals.

Dadalhin ang Game Six sa Philadelphia.

Nagdagdag si Victor Oladipo ng 13 poins para sa Heat na nakahugot ng 12 markers kay Bam Adebayo at tig-10 points kina Tyler Herro at P.J. Tucker.

Tumapos si Joel Embiid na may 17 points sa panig ng 76ers at may 14 at 12 markers sina James Harden at Tobias Harris, ayon sa pagkakasunod.

DEVIN BOOKER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with