^

PSN Palaro

Maroons amoy na ang UAAP crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Maroons amoy na ang UAAP crown
Ang bakbakan ng Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Maroons sa Game One.
Jun Mendoza

Lusot sa Blue Eagles sa game one via overtime

MANILA, Philippines — Naitarak ng University of the Philippines ang gitgi­tang 81-74 overtime win laban sa defending champion Ateneo de Manila University upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Rumatsada nang husto si Ricci Rivero nang humataw ng 19 points, 4 steals, 2 assists at 2 blocks upang pamunuan ang Fighting Maroons na makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.

Solido ang suportang ibinigay si Zavier Lucero na ku­mana ng double-double output na 17 points at 13 boards kasama pa ang 2 blocks, 1 assist at 1 steal.

Naramdaman din si James Spencer na umani ng 13 points, habang nakalikom naman si Maodo Diouf ng sariling double-double showing na 10 points at 13 rebounds.

Nagdagdag naman si Carl Tamayo ng 10 markers at 9 rebounds para sa UP.

Nakakuha ang Fighting Maroons ng 26 points mula sa turnovers ng Blue Eagles, habang mayroon din itong 44 points sa paint at 22 second chance points.

Hindi napakinabangan ang 18 points at 11 boards ni Angelo Kouame gayundin ang tig-17 markers na na­gawa nina SJ Belangel at Rafael Verano para sa koponan ng Blue Eagles.

Hawak ng Blue Eagles ang 70-67 kalamangan sa huling 27.6 segundo sa fourth quarter nang pakawalan ni Spence ang umaatikabong tres para maitabla ng Fighting Maroons ang laro sa 70-70 at mauwi sa overtime ang laro.

Sa extra period ay binasag ng UP ang 74-74 matapos pumukol si Rivero ng sariling three-pointer para sa 77-74 abante, may 2:32 pang nalalabi

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang UP sa Ateneo para ma­kuha ang panalo.

Aarangkada ang Game Two ng Fighting Maroons at Blue Eagles sa Miyerkules sa alas-6 ng gabi sa parehong venue kung saan puntirya ng UP na maiselyo ang korona na huli nilang nakamit noong 1986 sa likod nina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with