^

PSN Palaro

La Salle, NU hinataw ang 2-0 record sa women’s volley

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
La Salle, NU hinataw ang 2-0 record sa womenâs volley
Mabilis na nasawata ng La Salle ang Adamson, 25-21, 25-20, 25-14, para angkinin ang ikalawang su­nod na panalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang De La Salle University at Na­tio­nal University matapos kubrahin ang ikalawang sunod na panalo kahapon sa UAAP Season 84 wo­men’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mabilis na nasawata ng La Salle ang Adamson, 25-21, 25-20, 25-14, para angkinin ang ikalawang su­nod na panalo.

Bumanat para sa Lady Spikers sina Jolina Dela Cruz at Alleiah Malaluan na parehong nagsumite ng 12 hits, habang nag-ambag sina Thea Gagate at Mereophe Sharma ng pi­nagsamang 17 puntos.

May tig-12 puntos sina Lucille Altamonte at May Nuique subalit bigo ang mga ito na makakuha ng sa­pat na suporta mula sa ka­nilang teammates para mahulog sa 0-2 marka.

Sa kabilang banda, pa­tuloy din ang mainit sa ratsada ng National Universi­ty matapos pabagsakin ang defending champion Ateneo de Manila University, 25-22, 25-15, 22-25, 25-22.

Muling naglatag ang Lady Bulldogs ng balanseng atake para kubrahin ang kanilang ikalawang su­nod na panalo at mana­ti­li sa tuktok ng standings.

Hindi matinag sina Prin­cess Robles at Micha­ela Belen nang pamunuan ang opensa ng NU matapos magrehistro ng tig-18 puntos.

Tanging si si Faith Nisperos ang naging liwanag ng Lady Eagles nang kumana ito ng 16 markers.

UAAP

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user