^

PSN Palaro

Fil-Aussie swimmer positibo sa COVID-19

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Fil-Aussie swimmer positibo sa COVID-19
Luke Gebbie.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Nalagasan kaagad ang national swimming team na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay matapos magpo­sitibo sa coronavirus di­sease (COVID-19) si Fil-Australian Luke Gebbie.

Sa isinagawang RT-PCR test para sa lahat ng mga atleta, coaches at opisyales na papasok sa Vietnam, lumabas na po­­sitibo si Gebbie sa virus.

Si Gebbie ang naging ki­natawan ng bansa sa Tokyo Olympics kung saan naitala niya ang bagong Philippine record sa 100m freestyle event (49.64).

Bahagi rin si Gebbie ng men’s 4x100m freestyle relay na nakapilak noong 2019 SEA Games sa Pilipi­nas, habang nakatanso rin siya sa 50m freestyle.

Si Gebbie ang national record holder sa 50m freestyle (22.57) at 50m butterfly (24.34).

Tatlong miyembro ng kickboxing ang nagpositibo sa COVID-19.

COVID-19

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with