^

PSN Palaro

OFWs magsumite na ng MID sa Pag-IBIG, now na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PINAAALALAHANAN ng Pag-IBIG Fund ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na magsumite na sila ng kani-kanilang required membership identification (MID) numbers para mapadali ang pagkuha ng kanilang bene­fits. May mga OFWs kasi na may MID na subalit hindi pa nila ito sinusumite sa Pag-IBIG sa iba’t ibang kadahilanan, anang opisyal ng ahensiya ng gobyerno.

Itong polisiya ng Pag-IBIG ay hindi na bago kaya’t hindi na dapat magpatumpik-tumpik ang mga OFWs para mag-comply dito dahil sa kinalaunan, sila rin at ang pamilya nila ang makikinabang dito, di ba mga kosa? Kaya sa mga pulitiko, huwag n’yo ng gamitin ang MID requirement para isulong ang inyog kandidatura Tumpak! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!

Sa joint advisory ng Pag-IBIG at Philippine Overseas Employment Administration (POEA), hinikayat nila ang mga OFWs na magsumite ng kanilang MIDs para mapadali ang kanilang transaction sa state-run corporation. Ipinaliwanag ni Domingo Jacinto Jr., Pag-IBIG Public and Media Affairs Department manager, itong advisory ay isang paalala lamang sa OFWs na tumalima sa naturang requirement. Gustong itama ni Jacinto ang maling akala na ang pagsumite ng MIDs at Pag-IBIG membership ay bagong requirement para sa mga Pinoy na nagtatrabaho abroad. Ipinaliwanag ni Jacinto na maraming maayos at madaling paraan para ang OFWs ay makakuha o i-recall ang kanilang Pag-IBIG MID numbers. Mismooooo! Kailangan pa bang i-memo­rize ‘yan mga kosang OFW? Dipugaaaaa!

Sa mga OFW naman na wala pang Pag-IBIG MID number, iginiit ni Jacinto na maari silang kumuha sa pama­magitan ng POEAs e-Registration system o dili kaya’y sa Pag-IBIG online service facility, Virtual Pag-IBIG. 

Sa OFWs naman na nais i-recall ang kanilang Pag-IBIG numbers puwede rin nilang gamitin ang Virtual Pag-IBIG o kontakin ang korporasyon sa pamamagitan ng tele­pono, email o Pag-IBIG Facebook page. Pindot-pindot lang pala ang katapat nito sa mga gadgets, di ba mga kosa?

Ipinaliwanag pa ni Jacinto na ang mga OFWs ay sakop­ ng Pag-IBIG Fund benefits alinsunod sa Republic Act No. 9679. Maraming nakaumang na benefits para sa Pag-IBIG members kabilang dito ang savings with dividend earnings, short-term cash loans and affordable housing loans. “These benefits shall serve them well while working­ abroad, as well as after their work tenure overseas,” ayon kay Jacinto. Get’s n’yo na ba ang paliwanag ng Pag-IBIG mga kosang kong OFWs? Abangan!

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with