^

PSN Palaro

Pinay spikers palaban vs Brazilian squad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinay spikers palaban vs Brazilian squad
Nakipagsabayan ang Pinay spikers sa Serie B champion São Caetano bago isuko ang 25-20, 25-17, 25-20, 27-29, 15-9 kabiguan sa kanilang unang tuneup game sa Prefeitura Municipal de Sao Caetano do Sul.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pumapalag ang wo­men’s national team sa tuneup games nito laban sa matikas na Brazilian volleyball club sa Brazil.

Nakipagsabayan ang Pinay spikers sa Serie B champion São Caetano bago isuko ang 25-20, 25-17, 25-20, 27-29, 15-9 kabiguan sa kanilang unang tuneup game sa Prefeitura Municipal de Sao Caetano do Sul.

Nanguna para sa Pinay squad si opposite hitter Mylene Paat na nagtala ng siyam na puntos habang gumawa naman sina wing spikers Ces Molina, Jema Galanza, Kat Tolentino at Alyssa Valdez ng walong puntos.

Nakakuha si middle blocker Jaja Santiago ng pitong hits.

Masaya si Brazilian mentor Jorge Edson Souza de Brito sa matikas na ipinamalas ng kanyang bataan subalit umaasa ito na mas magiging maganda pa ang laro ng tropa sa mga susunod na laban.

“We did what we were supposed to do. Despite arriving just last night after the long trip, we did a good job. We will produce better results as they practice more together as a team,” ani de Brito.

Sumalang agad sa ensayo ang tropa matapos ang mahabang biyahe nito mula Manila hanggang Brazil.

Inaasahang mas magiging matindi pa ang trai­ning camp ng Pinay spikers sa mga susunod na araw.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with