^

PSN Palaro

Converge FiberXers magpapalakas para sa PBA season

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Converge FiberXers magpapalakas para sa PBA season
Sina PBA Commissioner Willie Marcial at co-team owners Dennis Anthony Uy at Grace Uy sa launching ng Converge bilang miyembro.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Gagamitin ng Converge ICT ang ka­nilang mga hawak na draft picks para ma­­­palakas ang koponan sa da­rating na PBA season.

Ito ang sinabi kahapon ni team owner Dennis An­tho­ny Uy sa opisyal na pag­­papakilala sa FiberXers bi­­lang miyembro ng PBA.

“Ibubuhos namin ang aming puso sa aming laro,” pag­­titiyak ni Uy sa kanilang kampanya sa susunod na PBA season.

May bitbit na No. 3, No. 4 at No. 15 picks ang Converge sa darating na PBA Rookie Draft sa Mayo.

Papasok din ang Fiber­Xers sa mga trades para ma­­kahugot ng ilang beteranong isasalang sa PBA Season sa Hunyo.

“We want to be compe­titive. We will compete to win,” wika ni Uy na inaasahang pananatilihin si head coach Jeff Cariaso ka­sama si­na dating Alaska pla­yers Je­ron Teng, Ben Ada­mos, Rey Publico, Jaycee Mar­ce­lino, Allyn Bulanadi at Bryan Faundo.

Binili ng Converge ang prangkisa ng Alaska na nag­paalam sa liga noong Peb­rero matapos ang 35 seasons bitbit ang Grand Slam championship no­ong 1996 sa likod ng paggiya ni head coach Tim Cone.

CONVERGE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with