^

PSN Palaro

Bolts pasok sa quarterfinals ng PBA 3x3

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inangkin ng Meralco ang quarterfinals berth ma­tapos magposte ng 3-0 record sa Pool A sa Leg 5 ng PBA 3x3 Lakas Ng Tatlo kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Unang tinalo ng Bolts ang Platinum Karaoke, 21-19 bago isinunod ang Ca­vitex, 18-16, at NorthPort, Batang Pier 21-13.

Humataw si guard Tonino Gon­zaga ng double fi­gures sa dalawang panalo ng Meralco na naglaro na wa­la si injured big man Al­fred Batino.

Nagtala naman ng mag­­kaparehong 2-0 baraha ang Limitless App at Purefoods TJ Titans sa pool play.

Dinomina ng Appmasters ang Sista Super Sea­lers, 21-12, at ang guest team na Master Sardines, 21-15, sa Pool B.

Pinabagsak naman ng Titans ang San Miguel, 21-16, at TNT Tropang Giga, 21-15, sa Pool C.

Naghahangad rin ng quar­terfinals spot ang 11 pang koponan tampok ang  Terrafirma (1-1) na kinuha si veteran champion coach Joe Lipa.

Nakatakda ang final phase ngayon.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with