^

PSN Palaro

Giannis nilampasan si Jabbar; Bucks pasok sa playoffs

Pilipino Star Ngayon
Giannis nilampasan si Jabbar; Bucks pasok sa playoffs
Giannis Antetokounmpo of the Milwaukee Bucks celebrates a dunk against the Phoenix Suns in the final seconds in Game Five of the NBA Finals at Footprint Center on July 17, 2021 in Phoenix, Arizona.
Ronald Martinez / Getty Images / AFP

NEW YORK — Nagsumite si Giannis Antetokounmpo ng 44 points, 14 rebounds at 6 assists para tulungan ang nagdedepensang Milwaukee Bucks sa 120-119 overtime win laban sa Brooklyn Nets.

Inungusan ni Antetokounmpo (14,216 points) si le-gend Kareem Abdul-Jabbar (14,211 points) sa pagiging all-time scoring leader ng Bucks (48-28) para hablutin ang playoff berth sa Eastern Conference.

Posibleng magharap ang Milwaukee at ang Brooklyn (40-37) sa first round ng playoffs.

Kasalukuyang No. 2 ang Bucks sa Eastern Confe-rence habang No. 8 ang Nets sa Western Conference.

Ang record-setting triple ni Antetokounmpo ang nagtulak sa Milwaukee sa overtime at ang dalawa niyang free throws ang sumelyo sa kanilang panalo sa Brooklyn.

Sa Chicago, humataw si DeMar DeRozan ng season-high 50 points sa 135-130 overtime victory ng Bulls (45-32) sa Los Angeles Clippers (37-40).

Sa Detroit, iniskor ni Saddiq Bey ang 10 sa kanyang 20 points sa hu-ling apat na minuto para sa 102-94 pagdaig ng Pistons (21-56) sa Philadelphia 76ers (46-30).

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with