^

PSN Palaro

NLEX pinigilan ang Ginebra

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX pinigilan ang Ginebra
Tumirada si NLEX import Cameron Clark ng isang jumper sa harap ni Justin Brownlee ng Ginebra sa Game 3.
PBA Images

Meralco itinayo ang 2-1 lead sa Magnolia

MANILA, Philippines — Hindi pumayag ang NLEX na mawalis ng nagde­depensang Barangay Ginebra matapos agawin ang 86-85 panalo sa Game Three ng PBA Governors’ Cup se­mifinals series kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Kumolekta si import Ca­­meron Clark ng 21 points, 17 rebounds, 5 steals at 4 assists para sa 1-2 agwat ng Road Warriors sa kanilang best-of-five semis wars ng Gin Kings.

“As I told my players, all we wanted was to avoid the embarrassment of being swept in this series,” wika ni NLEX head coach Yeng Guiao.

Nagdagdag si Kevn Alas ng 15 points at may 13 at 11 markers sina Justin Chua at Raul Soyud, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni import Justin Brownlee ang Ginebra sa kanyang 27 points.

May 16 markers si Christian Standhardinger at may 13 at 10 points sina Scottie Thompson at LA Tenorio, ayon sa pagkakasunod.

Ang krusyal na three-point play ni Clark sa huling pi­tong segundo ang nag-angat sa Road Warriors sa 86-83 kasunod ang basket ni Tenorio para sa fi­­nal score.

Nauna nang inilista ng Ginebra ang 12-point lead, 50-38, sa third period bago na­kaba­wi ang NLEX para kunin ang 70-62 kalamangan sa fourth quarter.

Rumesbak ang Gin Kings sa likod nina Brownlee at Arvin Tolentino para makatabla sa 83-83 sa huling 7.3 segundo.

Muling susubukan ng Ginebra na umusad sa PBA Finals sa Game Four sa Mi­yerkules.

Sa unang laro, nagtala si import Tony Bishop ng 27 points at 10 rebounds para sa 101-95 pagdaig ng Meralco sa Magnolia at kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang serye.

Nagdagdag si Chris Ban­chero ng 23 points, 5 assists at 4 rebounds para sa Bolts, habang may 16 at tig-10 markers sina Chris Newsome, Maliksi at Bong Quinto, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Hotshots na umagaw sa Game One.

“We just thought this was a pivotal game for us in this series,” ani coach Norman Black. “If we could win the game, it gives us the better chance of making it to the championship.”

Humakot si im­port Mike Harris ng 24 points at 17 boards sa panig ng Hotshots.

Idinikit nina Harris at Jio Jalalon ang Magnolia sa 92-95 agwat sa huling 56 segundo ng fourth period.

Ang spin move naman ni Newsome at dalawang free throws ni Bishop ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Meralco.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with