^

PSN Palaro

Letran sinampolan agad ang Blazers

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinakita ng nagdedepensang Letran Knights ang kanilang karakter matapos itakas ang 67-63 panalo kontra sa St. Benilde Blazers sa pagbubukas ng NCAA Season 97 men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Kumolekta si Rhenz Abando ng 19 points, 8 rebounds, 4 blocks at 3 assists para sa paggiya sa Knights habang may 12 markers at 8 boards si Fran Yu.

“Very important,” sabi ni head coach Bonnie Tan sa una nilang panalo.

“Sa huddle sinasabi namin na every game dito championship. We treat every game as a cham-pionship game,” dagdag ni Tan

Binanderahan ni AJ Benson ang Blazers sa kanyang itinalang 16 points at rebounds at nagdagdag si Carlo Lim ng 10 points.

Kinuha ng St. Benilde ang 57-49 kalamangan sa 7:46 minuto ng fourth period bago humataw ang Letran sa pangunguna nina Abando at Yu para agawin ang panalo.

“We’re not pressuring Rhenz but for sure, eventually, again we want to let Rhenz play his full potential,” dagdag ni Tan sa dating pambato ng UST Growling Tigers sa UAAP.

Kumolekta sina Louie Sangalang at Paolo Javillonar ng pinagsamang 23 rebounds para sa dominasyon ng Knights sa Bla­zers sa rebounding department.

Samantala, magtutuos ang San Sebastian Stags at ang Arellano Chiefs nga­yong alas-12 ng tanghali at magtatapat sa alas-3 ng hapon ang Mapua Cardinals at Emilio Aguinaldo College Generals.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with