^

PSN Palaro

NLEX, Meralco reresbak

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX, Meralco reresbak
Dumakdak si Japeth Aguilar ng Ginebra laban sa NLEX.
Kuha ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Inaasahang sasagupain ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang NLEX sa Game Two ng PBA Governors’ Cup semifinals series na wala si flying forward Japeth Aguilar.

Nagkaroon ang 6-foot-8 na si Aguilar ng right calf injury sa third period at hindi na nakabalik sa 95-86 pagresbak ng Gin Kings sa Road Warriors sa Game One noong Miyerkules.

“We don’t know how long or whether or not he’s gonna be back in the series or what at this point,” ani two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone kay Aguilar.

Sisikapin ng Ginebra na maitayo ang 2-0 lead sa serye sa pagsagupa sa NLEX ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang upakan ng Magnolia at Meralco sa alas-6 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Inaasahan ni Cone na babalikan sila ng mga bataan ni mentor Yeng Guiao para maitabla ang kanilang best-of-five semis showdown.

Sina import Cameron Clark, Kevin Alas, JR Quiñahan, Don Trollano at Kris Rosales ang ibabandera ng NLEX.

Sa ikalawang laro, target din ng Hotshots ang 2-0 bentahe laban sa Bolts na kanilang pinadapa sa Game One, 94-80.

Bumangon ang Magnolia mula sa 17-point second quarter deficit para gibain ang Meralco.

“We need to address that problem. Mabuti na lang hindi masyadong lumaki lamang,” ani coach Chito Victolero sa kanyang Hotshots na nilimitahan si Bolts’ import Tony Bishop sa personal conference-low na 10 points mula sa 5-for-19 field shooting.

JAPETH AGUILAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with