^

PSN Palaro

Jimuel Pacquiao tagumpay ang US debut

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Jimuel Pacquiao tagumpay ang US debut
Jimuel Pacquiao.
Jimuel Pacquiao Instagram

MANILA, Philippines — Tapos na ang makulay na professional boxing career ni Manny Pacquiao habang nagsisimula pa lang ang kanyang anak na si Jimuel.

Panalo kaagad ang naitala ng 20-anyos na si Jimuel matapos talunin si American Andres Rosales sa kanilang three-round, junior welterweight amateur fight kahapon sa House of Fights sa San Diego, California.

Ito ang US amateur boxing debut ng anak ni ‘Pacman’ na nag-training sa Wild Card Boxing Gym ni Hall of Famer Freddie Roach sa ilalim ni Pinoy trainer Marvin Somodio.

Matutulis na jab at mabi­gat na right straight ang naging sandata ni Ji­muel para talunin si Rosales.

Noong Disyembre ay nakakuha si Jimuel ng amateur boxing license kasunod ang pakikipag-ensayo sa mga Filipino boxers sa Wild Card Gym.

MANNY PACQUAIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with