^

PSN Palaro

Appmasters PBA 3x3 Leg 3 champion

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang putback ni Jorey Napoles ang nagtakas sa 21-20 panalo ng Limitless App sa TNT sa finals para angkinin ang third leg title ng PBA 3x3 Second Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang nasabing game winner ni Napoles ay nagmula sa mintis na layup ng kanyang teammate na si Brandon Rosser para ibulsa ang premyong P100,000.

Ito ang ikatlong leg crown ng Appmasters, kakatawan sa Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo, matapos ang dalawa sa First Confe­rence.

Inayos ng Limitless at TNT ang kanilang finals duel matapos talunin ang Meralco, 16-11, at Terrafirma sa overtime, 21-19, sa semis, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, dinala ni Tonino Gonzaga ang Meralco sa 21-18 pagdaig sa Terrafirma para sikwatin ang third place trophy at premyong P30,000.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with