^

PSN Palaro

Dennis A. Uy bibilhin ang Alaska franchise?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan na ang mga pangalan na lumulutang na interesadong bilhin ang prangkisa ng Alaska Aces sa Philippine Basketball Association.

Ngunit pinakamaugong ang pangalan ni Converge ICT Solutions founder/CEO Dennis Uy na isiniwalat sa isang website na bilyonaryo.com.

Isa lamang si Uy sa mga nagnanais makuha ang prangkisa.

Nabanggit din ang Family’s Brand Sardines at ang isa pang kumpanya na tumangging pangalanan.

Tumataginting na P100 milyon ang halaga ng prangkisa ng Alaska.

Kailangang makakuha ng 2/3 votes o walo sa 12 miyembro ng PBA board para maipormalisa ang pagpasok ng sinumang bibili sa prangkisa ng Alaska.

Gayunpaman, wala pang pormal na pahayag ang PBA management gayundin ang mismong owners ng Alaska at mga kandidatong gustong bumili sa pangkisa nito.

Inaasahang magkakaalaman na sa oras na matapos ang ginaganap na PBA Season 46 Govenors’ Cup.

vuukle comment

ALASKA

DENNIS UY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with