^

PSN Palaro

Blackwater tinapos ang 29- game losing skid

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blackwater tinapos ang 29- game losing skid
Barkley Ebona scored on a clutch transition basket to help the Blackwater Bossing end a 29-game losing streak
STAR/ File

TNT Tropang Giga kumonek na sa Quarterfinals

MANILA, Philippines — Sa kasamaang palad ay ang No. 1 team Magnolia ang naging biktima ng talsik nang Blackwater para wakasan ang PBA record na 29-game losing slump.

Isinalpak ni Barkley Ebona ang winning basket sa huling 10.5 segundo ng final canto para akayin ang Bossing sa 101-100 panalo sa Hotshots at ilista ang una nilang panalo sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Ebona na may 8 points at 3 rebounds para sa 1-10 kartada ng Blackwater at ipinalasap sa Magnolia ang ikalawang kabiguan para sa 9-2 record.

“Feeling naman namin na makukuha namin eh, It’s just na nakabalik sila,” sabi ni coach Ariel Vanguardia na nakakuha kay import Shawn Glover ng 33 points, 9 boards at 7 assists. “Lucky din kami na we catch them na they have nothing to fight for.”

Huling nanalo ang Bossing noong Oktubre 17, 2020 nang talunin ang NLEX Road Warriors, 98-88, sa eliminasyon ng PBA Philippine Cup sa Clark bubble.

Inangkin ng Blackwater ang 11-point lead, 94-83, galing sa dalawang free throws ni rookie Rey Suerte sa 4:20 minuto ng final canto.

Naputol ito ng Hotshots sa 96-97 buhat sa 3-pointer at four-point play ni Aris D­ionisio kay Ebona sa huling 2:13 minuto ng laro.

Tuluyan nang naagaw ng Magnolia ang 100-99 bentahe sa likod ng dalawang sunod na basket ni Mark Barroca sa nalalabing 48.2 segundo.

Ang turnover naman ni Barroca ang nagresulta sa puntos ni Ebona para ibigay sa Bossing ang 101-100 kalamangan sa nalalabing 10.5 segundo kasunod ang depensa sa Hotshots para selyuhan ang kanilang panalo.

Sa unang laro, nagposte si import Aaron Fuller ng 24 points, 12 rebounds, 3 steals at 3 blocks sa 127-107 pagsagasa ng TNT Tropang Giga (6-4) sa talsik nang Terrafirma (2-9) patungo sa quarterfinals.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with