^

PSN Palaro

Lakers binuhat ni James vs Warriors

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES — Kumamada si LeBron James ng season-high 56 points para banderahan ang La­kers sa 124-116 pagrapido sa Golden State Warriors at wakasan ang kanilang four-game losing slump.

Nagtala si James ng 19-of-31 fieldgoal shooting para sa Los Angeles (28-35) habang may 20 at 14 markers sina Russell Westbrook at Carmelo Anthony, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Stephen Curry ng 30 points para sa ikaapat na sunod na kabiguan ng Golden State (43-21) na nahulog sa No. 3 sa Western Conference sa ilalim ng NBA-leading Phoenix Suns (51-12) at Memphis Grizzlies (44-21).

Nakumpleto ni Anthony ang kanyang three-point play para sa 114-112 abante ng Lakers sa hu­ling 3:29 minuto ng fourth quarter kasunod ang triple ni Malik Monk at dunk ni James para talunin ang Warriors.

Sa Miami, naglista sina Tyler Herro at Jimmy Butler ng tig-21 points at kumawala ang Eastern Conference-leading Heat (43-22) sa final canto para kunin ang 99-82 panalo sa Philadelphia 76ers (39-24).

Sa Memphis, naglista si Ja Morant ng 25 points at 7 assists at may 24 markers si Desmond Bane sa 124-96 paglapa ng Grizzlies (44-21) sa Orlando Magic (16-49).

Sa iba pang laro, lusot ang Dallas Mavericks sa Sacramento Kings, 114-113; tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Portland Trail Blazers, 135-121; at binigo ng Charlotte Hornets ang San Antonio Spurs, 123-117.

LAKERS

LEBRON JAMES

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with