^

PSN Palaro

Philippines pencak silat team lalaban sa gold sa Vietnam SEA Games

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Pencak Silat Federation president Princess Jacel Kiram na makikipag-agawan sa gintong medalya ang kanyang koponan sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nagbulsa ang mga Pinoy pencak silat warriors ng isang ginto at dalawang pilak na medalya noong 2019 Manila SEA Games.

“We could not promise a medal, but I’m proud to say that this team that we formed for the Vietnam SEAG is the result of hard work, dedication, discipline and character building,” ani Kiram sa kanyang pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ via Zoom.

Kasalukuyang nasa Nueva Ecija ang buong koponan para sa isang bubble training bilang paghahanda sa Vietnam SEA Games.

Kabuuang 18 atleta -- 13 lalaki at 5 babae -- ang sasabak sa nasabing biennial event sa pamumuno nina 2019 SEAG gold medalist Edmar Tacuel (men’s tunggal) at silver medal winners Alfau Jan at Almohaidib Abad (tunggal/ganda event).

Nagbabalik din sa koponan si 2017 SEAG gold medalist Dines Dumaan.

“Actually, sa pagpili ng atleta secondary na lang iyong talent. First and foremost iyong discipline, character, and how do you deal with your teammates, coach, and officials,” ani Kiram sa TOPS na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.

Ipinalit ni Kiram kay 2018 Asian Games bronze medal winner Cherry May Regalado, nagkaroon ng knee injury bago ang 2019 SEA Games, si Grade 12 student Francine Padios.

SEAG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with