^

PSN Palaro

Hotshots lumapit sa twice-to-beat Laro sa Miyerkules

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots lumapit sa twice-to-beat Laro sa Miyerkules
Nag-unahan sina Paul Lee ng Hotshots at Marcio Lassiter ng San Miguel sa bola.
PBA Images

MANILA, Philippines — Inilapit ng Magnolia ang kanilang sarili sa ‘twice-to-beat’ incentive matapos talunin ang San Miguel, 104-87, sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagpaputok sina import Mike Harris at Paul Lee ng tig-26 points para sa 7-1 record ng Hotshots at diniskaril ang debut ni five-year NBA veteran Shabazz Muhammad para sa 5-4 karta ng Beermen.

Tumapos si Muhammad na may 27 points, 17 rebounds at 2 assists bilang kapalit ni Orlando Johnson.

“He’s a very explosive import. We just try to adjust during the game at least kung paano namin siya ma-contain,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero kay Muhammad.

Itinayo ng Hotshots ang 13-point lead, 57-44,  sa halftime bago ito naputol ng Beermen sa 59-69 sa third period sa pamumuno ni Muhammad.

Isang 12-3 atake ang iginanti ng Magnolia para tangayin ang 81-62 kalamangan patungo sa pagpoposte ng 95-75 abante galing sa jumper ni Jio Jalalon sa 6:52 minuto ng fourth quarter.

Sapat na ito para hindi na makahabol ang San Miguel na nagwakas ang dalawang sunod na ratsada sa likod ni Johnson.

Samantala, buma­ngon ang nagdedepensang Barangay Ginebra mula sa 22-point deficit sa third quarter para talunin ang Terrafirma Dyip, 112-107, at palakasin ang tsansa sa quarterfinals.

Thompson ng triple-double na 20 points, 13 rebounds at 11 assists para sa ikalawang sunod na panalo ng Gin Kings (5-4).

Ito naman ang pangatlong dikit na kamalasan ng Dyip (2-7).

Kinuha ng Terrafirma ang 66-44 abante mula sa three-point shot ni rookie Joshua Munzon sa pagsisimula ng third quarter hanggang maagaw ng Ginebra ang 110-107 abante sa huling 29.8 segundo.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with