^

PSN Palaro

Tropang Giga inangkin ang 1st leg ng PBA 3x3 2nd Conference

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inungusan ng TNT Tropang Giga ang Meralco, 21-19, sa finals para angkinin ang first leg ng PBA 3x3 se­cond conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Isinalpak ni guard Almond Vosotros ang two-point shot para sa panalo ng Tropang Giga, nagkampeon din sa opening leg ng 1st conference, laban sa Bolts.

“Tingin ko nagawa namin iyong plano namin ngayon sa game,” sabi ni Vosotros na umiskor ng 10 points. “Lahat kami nagtulung-tulong na ma-maintain namin iyong enegy hanggang sa dulo.”

Ibinulsa nina Vosotros, Samboy De Leon, Lervin Flores at Raymark Acuno ng Tropang Giga ang prem­yong P100,000 at nakuntento sina Tonino Gonzaga, Joseph Sedurifa, Alfred Batino at Dexter Maiquez ng Bolts sa P50,000.

Samantala, binigo ng Gin Kings ang Appmasters, 21-17, sa labanan sa third place para sikwatin ang P30,000. 

TNT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with