^

PSN Palaro

Tiket sa FIBA WCQ mainit ang bentahan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mainit na ang bentahan ng tiket para sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers na gaganapin sa Peb­rero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsimula na ang ticket selling kahapon kung saan excited na ang mga Pinoy fans na suportahan ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa qualifiers.

Ito ang unang pagkakataon na mapapanood ng mga fans ang Gilas Pilipinas sa actual games matapos isagawa ang mga nakalipas na laro nito sa closed door venues dahil sa pandemya.

Kaya naman inaaba­ngan na ang pagdagsa ng mga fans sa Big Dome para suportahan ang Pinoy squad.

Mura ang mga tiket sa qualifiers — P530 lamang para sa Lower Box.

Nagpaalala ang Samahang Baseketbol ng Pilipinas (SBP) na ang mga fully vaccinated na may edad na 12-anyos pataas lamang ang maaaring makapanood ng live.

ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with