^

PSN Palaro

BEST tankers sumisid ng 4 medalya sa Dubai

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
BEST tankers sumisid ng 4 medalya sa Dubai
Sina Fil-British Hannah White at Fil-Iranian Behrouz Mohammad Mojdeh
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng  lakas ang Swim League Philippines (SLP)-Behrouz Elite Swimming Team (BEST) matapos sumisid ng apat na medalya sa pagsisimula ng Middle East Open and Junior Cham­pionships sa Dubai, UAE.

Bumandera sa unang araw ng kumpetisyon sina Filipino-British Hannah White at Filipino-Iranian Behrouz Mohammad Moj­deh matapos kumana ng medalya sa kani-kanyang events.

Nakasungkit ng dalawang pilak si White sa girls’ 10-year category kabilang na ang second-place finish sa 100m freestyle event kung saan nagtala ito ng 1: 16.15 segundo.

Kapos lamang ito ng ilang sandali laban sa gold medalist na si Gracie Brooke ng England na may dikit na 1:15.62.

Muling umariba si White sa 50m butterfly nang magsumite ito ng 39.32 segundo para masikwat ang kanyang ikalawang pilak na medalya sa torneong nilahukan ng mahigit 500 tankers mula sa 20 bansa.

Nagparamdam din ng lakas si Mojdeh makaraang masiguro nito ang tansong medalya sa boys’ 11-year 50m butterfly tangan ang bilis na 34.98 segundo.

Nanguna sa naturang dibisyon si Maze Selim ng United Arab Emirates na may 32.96 segundo habang pumangalawa naman si Mohammed Witknows ng Qatar na may 33.87 segundo.

Sa Open Division, umani ng pilak na medalya si Heather White sa girls’ 12-year over 50m butterfly sa itinalang 29.35 segundo.

“It’s a good start for us and we’re looking forward to win more medals in the second and third days of the competitions,” ani BEST team manager Joan Mojdeh.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with