^

PSN Palaro

Artis bubuhayin ang tsansa ng NorthPort

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Sa Governors’ Cup

MANILA, Philippines — Inaasahang kaagad sasama si import Jamel Gurley Artis sa ensayo ng NorthPort para sa pagbabalik ng naudlot na 2021-2022 PBA Governors’  Cup sa Pebrero 11.

Dumating na sa bansa si Artis noong Biyernes matapos ang halos isang buwan na pag-aasikaso sa kanyang working visa at pagpaplantsa ng flight patungong Manila.

Sa pinaluwag na patakaran ng bansa dahil sa paghupa ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ay hindi na sasailalim ang 29-anyos na tubong Baltimore sa quarantine.

Sasaluhin ni Artis, nagmula sa paglalaro sa Greek Basket League, ang naiwang trabaho ni injured Cameron Forte.

May 0-4 record ang Batang Pier sa import-flavored conference.

Nasa bansa na rin si balik-import Orlando Johnson na maglalaro para sa San Miguel at si Shawn Glover para sa Blackwater.

Nauna nang naglaro ang 32-anyos na si Johnson para sa Barangay Ginebra noong 2015 Go­vernors’ Cup kung saan siya nagposte ng mga a­verages na 33.7 points at 11.3 rebounds.

Papalitan ni Johnson, naglaro sa NBA para sa Indiana Pacers, Sacramento Kings, New Orleans Pelicans at Phoenix Suns, sa Beermen si Brendan Brown.

Samantala, pumirma si dating Ateneo guard Mike Nieto ng two-year contract sa Rain or Shine habang ang kanyang kambal na si Matt Nieto ay maglalaro para sa NLEX.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with