^

PSN Palaro

Pinay booters bokya sa Koreans

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinay booters bokya sa Koreans
Allen Stajcic.
Geoff Robins / AFP

MANILA, Philippines — Hindi umubra ang tapang ng World No. 64 Phi­lippine national wo­men’s football team matapos yumukod sa World No. 18 South Korea, 0-2, sa semifinals ng 2022 AFC Wo­men’s Asian Cup kahapon sa Shree Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India.

Sa kabila ng kabiguan ay ito pa rin ang best finish ng Malditas ni Australian head coach Allen Stajcic sa nasabing torneo.

Umiskor ng goal si Cho So Hyun sa ikaapat na minuto ng first half  habang ang tirada ni Son Hwa-yeon sa pang-34 minuto ang nagbigay sa South Korean squad ng 2-0 bentahe.

Sa second half ay hindi nakabawi ang mga Pinay booters.

Lalabanan ng mga South Koreans ni head coach Colin Bell ng United Kingdom sa finals ang mananalo sa semis match kagabi ng nagdedepensang Japan at China.

Nakapasok ang mga Pinay booters sa semis ng AFC Asian Cup matapos ungusan ang World No. 39 Chinese-Taipei, 4-3, sa penalty shootout sa quarterfinals.

Kasabay nito ang pag-usad ng national team sa kauna-unahang paglalaro sa FIFA World Cup na iho-host ng Australia at New Zealand sa Hulyo ng 2023.

Matapos ang Asian Cup ay lalahok ang Nationals sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam sa Mayo, sa  AFF Women’s Championship sa Manila at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

AFC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with