^

PSN Palaro

PFF umaasang mapapanatili si Stajcic

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hanggang sa 2022 AFC Women’s Asian Cup lamang ang kontrata ni Australian coach Alen Stajcic kasama sina assistant coach Nahuel Arrarte at Italian strength and conditioning coach Luca Tonetti.

Umaasa ang Philippine Football Federation (PFF) na patuloy nilang makukuha ang serbisyo ng 48-anyos na si Stajcic para sa kampanya ng national women’s team hanggang sa 2023.

“We have to talk to coach Alen because of course, he has brought the team to where it is now,” ani PFF president Mariano ‘Nonong’ Araneta kahapon sa Philippine Sportswriters Association Forum. “We want him to continue until probably the World Cup next year.”

Tinulungan ni Stajcic ang tinaguriang ‘Malditas’ para sa makasaysayang paglalaro sa 2023 FIFA World Cup matapos u­ngusan ang Chinese-Taipei, 4-3, sa penalty shootout sa quarterfinals ng 2022 AFC Asian Cup sa India.

Kaya naman ayaw ng PFF na pakawalan ang Aussie na ikinukunsiderang isa sa pinakamahusay na coaches sa buong mundo ngayon.

“Ang gusto natin iyong makuha pa rin iyong serbisyo ng kanyang team,” wika ni PFF general secretary Edwin Gastanes. kay Stajcic. “Hindi siya biro. He is one of the best women coaches in the world.”

Lalabanan ng mga Pinay booters ang Korea bukas ng gabi para sa tsansang makaabante sa finals ng AFC Asian Cup.

Yumukod ang Nationals sa mga Koreans, 0-5, sa bakbakan sa huling tiket sa Asian bracket para sa 2019 World Cup.

AFC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with