^

PSN Palaro

Pinay booters target ang World Cup berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Philippine national team na muling makapagsulat ng kasaysayan sa women’s football.

Makikipagtuos ang mga Pinay booters sa Chinese-Taipei ngayong alas-10 ng gabi (Manila time) sa quarterfinal round ng AFC Women’s Asian Cup sa Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India.

Ang panalo ng Nationals ang awtomatikong magbibigay sa kanila ng tiket para sa kauna-una­hang paglalaro sa 2023 FIFA Women’s World Cup.

Pamamahalaan ng Australia, awtomatiko nang seeded sa 2023 World Cup bilang co-host, at New Zealand ang 2023 World Cup sa Hulyo 20 hanggang Agosto 20.

Sakaling malasin ang mga Pinay laban sa mga Taiwanese ay mahuhulog sila sa repechage para sa ikalawang tsansang makapasok sa 2023 World Cup.

Kung aabante ang Australia sa semifinals ay maglalaban ang apat na natalong quarterfinalists sa isang knockout match para pag-agawan ang huling dalawang World Cup spots.

Posibleng makasagupa ng national team sa knockout ang alinman sa Australia at Korea.

Kung hindi makakapasok ang mga Aussies sa semis ay magbabakbakan ang tatlong nabigong quarterfinalists kung saan ang best team ang makakasikwat ng World Cup seat.

AFC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with